Thursday, May 9, 2013

ewan ko??????

1 year and 5 months na ang nakakaraan nung kami ay nagkahiwalay... 

Ang hindi ko lang maintindihan ano ba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing kami ay may pagkakataon na makapag usap. Bakit nasasaktan pa ako? Bakit naiiyak ako sa tuwing naaalala ko ang mga panahon na kami ay magkasama. 

ako ba ay sadyang galit lang talaga sa kanya? o sadyang naiiyak ako sa sakit dahil d ko maamin sa sarili ko na may nararamdaman pa ako at umaasang maibabalik ko ang nakaraan. 

Paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko na sobra nya akong nasaktan pero bakit may parte din sa sarili ko na kaya ko siyang tanggapin ulit... 

Yung taong hindi mo inaasahang iwan ka, yung taong naging buhay mo. Bigla nalang nawala na parang bula at sa tuwing siya ay magpaparamdam di ko lubos maisip na ang taong nagpapaiyak sa akin ay ang taong makapagbibigay sa akin ng saya. 


No comments:

Post a Comment